Akala Ko Lang Pala

Note: This is a Taglish post.

Bigla akong naalimpungatan mula sa panaginip na hindi ko na halos matandaan (malamang kung sa malamang ito’y isang panaginip na may sari-saring eksenang hindi mo malaman kung konektado ba sa isa o may kabuluhan ba). Pagmulat ng aking mga mata’y unang sumalubong sa akin ang orasan na nasa tapat ko lamang.

Noong una malabo ang rehistro ng mga numerong itinuturo ng dalawang kamay nito pero nang kinusot ko na ang mata ko nagulat ako sa nakita ko…

“5:40 na ng umaga! Wait, 7 am class! Patay ako nito! Hala, maliligo pa ko, mag-aayos ng mga gamit ko at higit sa lahat babyahe pa ko ng halos isang oras! Waaaahhhhh! male-late ako…”

(mga salitang sa isip ko na lang nabitawan sa labis na pagmamadali ko) Agad-agad akong pumunta ng banyo, naligo, nagbihis, nag-ayos ng gamit at hindi na nakakain pa ng almusal.

Pagkalabas ko ng bahay, tila ba nasa ibang mundo ako. Malayo sa nakasanayan ko. Wari’y hindi angkop ang pagmamadali ko sa galaw ng mga nasasaksihan ko. Para bang may paparating na zombies na handang sumalakay anytime kung kaya naman napakalinis ng kalsada.

Halos walang taong naglalakad, kung meron man, pailan-ilan lang. Isang babae sa kalapit na tindahan ang maaninag mong nakatingin na parang ngayon lang nakakita ng estudyante sabay sambit sa ka-tsismisan nyang

“May pasok ba?”

Tanong na sa una babalewalain mo lang pero mapapaisip kang meron nga ba? Habang naghihintay ng dyip pa-Lawton (gusto ko nang maniwalang wala talagang pasok dahil sa mailap at halos walang dyip na dumadaan) para bang sinesermunan ako ng isip kong

“Bakit kasi hindi ka muna nagbukas ng TV/radyo o di kaya’y Twitter para nasigurado mo kung may pasok ba? Kahit kailan naman talaga o!”

Matapos ang ilang minutong paghihintay, sa wakas nakasakay na rin ako! Mabilis lang ang biyahe- 6:55 nang makarating ako sa Lawton, medyo nakakalma na ko dahil may 5 minutes pa bago mag-time. Sapat na iyon para sakto akong makarating sa classroom.

Habang naglalakad ako sa corridor papuntang classroom hindi ko pa rin maiwasang maisip na jino-joke time lang ata ako nung mga guard ng Letran e parang wala naman talagang klase dahil walang mga estudyante.

Pero nang makarating na ako sa classroom at nakita ang mga kaklase ko, napanatag na ko, may klase nga at higit sa lahat, hindi pa pala ako late dahil…

advance lang pala yung relo ko.

P.S. Hahaha! Sorry na ang korni…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s