San Agustin Church Parish Exposure Experience!

Note: This is a Taglish post.

SOBRANG FULFILLING! Two words na makapagde-define ng naging experience ko sa parish exposure namin sa San Agustin Church nitong nakaraang apat na linggo lang. Yung feeling na kahit requirement namin siya sa Theology course namin hindi mo mararamdaman na requirement siya kasi at the same time nag-e-enjoy ka at nakikihalubilo ka sa iba’t-ibang tao o mga bata na may kanya-kanyang kwento sa buhay.

Minsan nga maiisip mo na lang na kumpara pala sa iba napaka-swerte mo na kasi may pamilya ka at buo pa na sumusuporta at laging umaalalay sayo. Hindi katulad ng iba sa mga nakausap namin na ulila na at naghahanap ng aruga ng isang pamilya, hayy…

Parish Exposure
Nakakatuwa ring isiping ang ku-kwela din palang kausap ng mga seminarista haha at ang cute pa ng ilan sa kanila (Charot! Joke lang Lord!). Sa loob ng apat na linggo aaminin ko kahit madalas akong late lalo na sa mass (ang hirap naman kasi gumising ng maaga e…sorry na, strike 2 na ko Lord), ang dami ko namang natutunan.

Una na siguro dyan yung i-cherish mo yung mga blessings na binibigay sayo ni Lord lalong-lalo na yung buhay na binigay niya sa’yo. Matuto kang makuntento sa mga bagay na meron ka and make the most out of it kasi gaya nga ng sinabi ko kanina may mga taong hindi nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng buhay na kagaya ng iba sa atin. Imbes na magreklamo mas pagsumikapan natin kung paano natin ito pauunlarin. Tama o tama? Tama! haha!

Pangalawa, spread your smile to everyone! Mahalaga yan kasi kung minsan may mga taong dumadaan sa mabigat na pagsubok at kung makikita nila na malungkot din ang paligid nila e di mas dobleng bigat nun di ba? Kaya ang pinakamagandang magagawa natin ay ngumiti at subukang pasayahin sila. Sa ganoong paraan, kahit sa sandaling oras makakalimutan nilang may problema pala sila at kahit papaano gagaan yung nararamdaman nila.

At ang pinakahuli sa lahat ng natutunan ko ay yung pagbibigay o pagtulong na walang hinihinging kapalit. Pwede ring paglilingkod na bukal sa puso. Mas masaya kasi gumawa ng gusto mo yung ginagawa mo hindi dahil sa kailangan mo lang gawin ito. Syempre, wag mong kakalimutan na si Lord ang inspirasyon mo sa lahat ng gagawin mo! (Lord, bawi na ko haha). Ayun lang naman, so ito na yung mga pictures namin nung parish exposure. Enjoy! To God be the Glory! ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s