The Best Simple Buddies Forever (BSBF)!!

Note: This one is a TagLish post.

Dahil miss ko na sila at malapit na ang 3rd Anniversary namin, para sa BSBF ang post na ito. Enjoy! 😉

 Nakasimangot ka na lang palagi, parang ikaw lang ang nagmamay-ari

Ng lahat ng sama ng loob. Pagmumukha mo ay hindi maipinta,

Nakalimutan mo na bang tumawa eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa 

 ♪ Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo

Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro

Nandirito kami, ang barkada mong tunay aawit sa ‘yo

Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa,

Kami’y kasama mo 

Sila nga pala ang BSBF ko, (short for Best Simple Buddies Forever) Bianca, Camille at Peng. Bago pa man ang BSBF, matagal ko ng kaibigan sina Bianca at Peng. Sa totoo lang, nagkaroon pa nga kami ng grupo nung 2nd year high school na ang tawag ay “Simple Girls” na ako lang naman ang nagpauso… haha 😀 Composed ito ng seven girls na simple lang..literal, IKR? Alam nyo na syempre kapag high school, uso ang kanya-kanyang grupo na may pare-parehong qualities at hilig, kaya ayan… Pero hindi din naman nagtagal ang Simple Girls. Ewan ko rin kung bakit e? basta! Pero syempre hindi naman yun ang punto ng blog kong ito, intro lang yan.

Nagsimula ang kwento ng BSBF nung 3rd year high school. Nang time na yan din namin nakilala si Camille transferee from Bulacan. Nung una, medyo alangan kami sa kanya… Syempre kakakilala pa lang kaya medyo nangangapa pa kami sa ugali nya. Attractive si Camille at mabait kaya naman marami rin ang nagkaka-crush sa kanya. Natatandaan ko pa nga lagi syang kinukumpara kay Carlene Aguilar e kasi she resembles her so much.

Nung una, hindi namin sya ganun ka-close kasi sa likod sya lagi nakaupo nun pero, dahil minsan na rin namin syang nakaka-usap kaya madalas sinasama namin sya sa grupo namin nina Bianca at Peng. Kinakausap namin sya hanggang sa maging close na namin sya. Ang nakakatuwa kasi kay Mila napaka-approachable nya, bubbly, optimistic at total performer. Mahilig nga syang sumali sa mga Beauty Contests at higit sa lahat sa- Sayaw, isang bagay na mapagkakasunduan naming dalawa. hehe 🙂

Bago ang lahat bibigyan ko muna kayo ng brief description sa aming tatlo nina Bianca at Peng…

Bianca-  Siya ang achiever sa grupo. Ika nga ng Math teacher namin “Jack of all trades but Master of none”- e halos lahat ata ng subject yakang- yaka nya e! Tutor nga namin sya e kapag may di kami naiintindihan sa isang subject/lesson. Yun nga lang pagdating sa mga non- academic activities like singing, dancing at kahit anong may kinalaman sa pag-pe-perform sa harap ng maraming tao, medyo tagilid ata sya :/ Aminado naman si Biancs na mahiyain sya pero ang alam ko she’s on her way to overcome it.

Peng-  Si Peng naman ang adviser sa grupo. Bakit “adviser”? e kapag ata may problema ang isa sa’min palaging sya ang nag-a-advice at isa pa, kapag nagsalita kala mo matanda kausap mo na marami ng experience sa buhay… hehe 😀 joke lang Peng! Ang nakakatuwa pa sa kanya kapag may nakaaway ka, siguradong sya ang magiging “knight-in-shining-armor” mo kasi gegyerahin nya talaga kung sinong aaway sa’yo..May pagka-boyish kasi sya dati pero ngayon babae na…ayiee! :”> sumasali na sa mga beauty contests! Pareho din sila ni Bianca na walang hilig sa dancing at singing.

Ako? Ewan ko ba kung ano ako sa grupo… Siguro ako yung “Singer/Dancer/Actress/Tahimik na madaldal/ KJ/Maraming crush/Assumera/At iba pa?” hehe 😀 Basta! mahiyain din ako e at maraming imperfections pero natutuwa naman ako na kahit ganun, tanggap pa rin nila ako. Madalas kong nakakasundo si Camille sa mga “performing thingy”, si Bianca naman kapag usaping- Inspirasyon at Pangarap at si Peng kapag mga harutan at hinaing sa buhay. May pagka-pessimistic minsan, baliw-baliwan at higit sa lahat- clumsy 😦 Pero right now, I’m on the process of overcoming and accepting my imperfections kahit kung minsan di ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa iba. (ooppps!! drama overload!)

Much to elaborate about us, so dun na tayo sa kwento!

October 28, 2009- Araw kung kailan nanalo si Mila bilang Ms. United Nation ng BHS at araw kung kailan officially nabuo ang grupong BSBF. Pero, bakit nga ba BSBF? Pag mga tawagang ganyan, alam na kung sino pasimuno… syempre ako!! Enebe?? Pero hindi naman talaga sa’kin originally nagmula ang pangalang yan. Actually nakuha ko yan sa isang story sa MMK na tungkol sa friendship. BSBF din ang tawag sa grupo nila yun nga lang ang pinagkaiba, sa kanila may mga rules…sa’min, wala! Kasi hindi naman nasusukat dun ang pagkakaibigan e…

Pagkatapos nun, ayun! Madalas na kaming nagkakasama…Yung tipong pag wala ang isa hindi kumpleto ang barkada at saya haha 😀 Hanggang sa narecognized na ang BSBF sa buong section. Ang saya lang din sa pakiramdam na sila pang mga kaklase namin ang unang nakakapuna kapag hindi kami kumpleto. Hayyy :/ And the rest is history! Syempre kapag kinuwento ko pa lahat e baka abutin na tayo ng infinite years dito… hehe 😀

Basta! Ewan ko ba kung paano kami nag-click pero ang alam ko lang iba-iba man kami ng ugali at hilig at unique man ang bawat isa sa amin, vibes na vibes pa rin kami sa isa’t-isa. Lumipas man ang segundo, minuto, araw, buwan at di- mabilang na taon, hinding hindi mawawala ang pagkakaibigan, makakaasa ng damayan sa bawat isa hindi lang sa kasiyahan at tagumpay kundi pati na rin sa kalungkutan at kabiguan. Higit sa lahat, mananatili ang bawat isa sa puso ng isa’t- isa.

Hayyy…Halos dalawang taon na rin mula ng magkanya-kanya kami ng landas. Pero ang mahalaga kahit gaano man ka-busy ang bawat isa, may komunikasyon pa rin; kapag kailangan ng tulong at mapaghihingahan ng mga sentimyento sa buhay, maaasahan lagi at higit sa lahat, malayo man malapit pa rin. ahehe XD sobrang corny ko na dyan sa part na yan a.. tse! pagbigyan nyo na ko, ngayon lang naman e… Promise! Last na ‘to 🙂

“Happy 3rd Anniversary BSBF!” Maaring hindi man nila ‘to makita pero nais ko pa ring magpasalamat sa tatlong taong pagkakaibigan at alaalang ibinahagi natin sa bawat isa. Magsilbi sana tayong inspirasyon para sa mga magkakaibigang makakabasa nito. Higit sa lahat, hiling ko na sana magtuloy- tuloy pa tayong gumawa ng maraming alaala hanggang sa pagtanda natin! haha 😀 Mahal ko kayo ❤

The End.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s