Dalawa nga ba ang mukha ng Kariton Klasrum?

Note: This is a Taglish post.
Kapansin-pansin ang pagdami ng mga programang inilulunsad sa bansa upang solusyunan ang mga krisis na kinakaharap ng Pilipinas ngunit ang higit na nakapukaw ng atensyon ay ang paglabas ng mga “kariton klasrum”  kung saan natulungan ang mga ‘out of school youth’  na mailayo sa mga gang at iba’t- iba pang mga karahasan.

illustration
Disclaimer: The photo is not mine so credits to the owner 🙂

Kamakailan lang ay naglunsad ang bagong hirang na CNN Hero of the year 2009 na si Efren Penaflorida kasama ang kanyang grupong Dynamic Teen Company(DTC) ng proyektong kariton klasrum na naglalayong mailapit ang edukasyon sa mga kabataang Pilipinong hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral upang mailayo sila sa mga gang sa kalye tungo sa pagbuo ng lipunan at pag-unlad na pansarili.

Marami sa mga Pilipino lalo na ang mga kabataang nasa lansangan ang natuwa at nagkaroon ng pag-asa. Humanga rin sila sa tindi ng dedikasyon ni Efren sa kanyang adbokasyon na makatulong sa iba, ngunit sa kabilang banda, marami ang nangamba sa pagpapalawak ng programang ito sa bansa sapagkat nagpapatunay lamang ito na humihina na ang kakayahan ng pamahalaang makapamahagi ng sapat na edukasyon sa kanyang nasasakupan.

Nitong nakaraang Nobyembre 28, 2009 ay inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Presidential Adviser on Education Mona Valismo na maghanap ng mga lugar kung saan puwedeng ma-duplicate ang pushcart education ni Efren. Maganda ang direktibang ito ng pangulo ngunit ang nakapagtataka ay hindi niya ba alam na ang posibleng pangunahing dahilan kung bakit itinatag ang kariton klasrum ay dahil sa kawalan ng abilidad ng gobyernong magbigay ng sapat na edukasyon sa mga nangangailangan nito? na kung sakali lamang na nakakapagsuporta ang pamahalaan ng edukasyong sapat at may kalidad, hindi na kailangan pang maglunsad ng ganitong proyekto?

Nang lumabas sa mga pahayagan ang planong pagpapalawak ni PGMA ng programa ni Efren na kariton klasrum marami ang bumatikos dito dahil kahit nga naman maganda ang layunin ni Efren na matulungan ang mga ‘out of school youth’ na maging edukado,di pa rin maiaalis sa isipan ng mga Pinoy na malaking sampal ito hindi lang sa bansa kundi lalong-lalo na sa gobyerno.Kung tutuusin, kaya namang magsuporta ng pamahalaan ng basic education sa mga kabataang nangangailangan nito, yun nga lang inaalis ng gobyerno ang posibilidad na sila’y makapamahagi ng edukasyon dahil sa pansariling interes lamang.

Hindi rin ba natin naisip na kahit mismong si Efren din ay nagnanais na makapag-aral ang mga kabataang nasa lansangan sa konkretong uri ng eskwelahan na sistematiko at dekalidad dahil sa mas mauunlad na pasilidad nito?

Kung maisasakatuparan lang ito, tiyak na maraming batang Pinoy ang mailalayo sa mga karahasan at mae-engganyong mag-aral ng mabuti tungo sa pag-abot sa maganda nilang kinabukasan. Magsilbing  paalala ang ginawang hakbanging ito ni Efren. Panahon na para maimulat ang gobyerno sa kung ano ang mga pagkukulang nila na pilit pinupunan ng NGO’s.Hindi lang sana nila sundan ang yapak ni Efren sa halip magsilbi pa itong hamon sa kanilang magpursigeng magpatupad ng mas epektibong proyekto at angatan pa ang nakayanan ng NGO’s.

Malaki ang posibilidad na sa pamamagitan ng malilikom na pondo mula sa “kariton klasrum” ay makatutulong ito upang makapagpatayo ng konkreto at  totoong mga silid-paaralan. Kahanga-hanga nga ang proyektong ito ni Efren ngunit hindi dapat makuntento na lamang sa ganitong sistema ng edukasyon ang pamahalaan. Kung mapag-aaralan lang ng mabuti ng mga opisyal ng gobyerno kung paano matitipid at mapanghahawakan ng maayos ang budget ng bansa, maaaring hindi na problemahin pa ang tungkol sa pagpapatayo ng mga konkretong paaralan na may magandang pasilidad at sistema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s